A

ng layunin ng kampanyang ito ay para bigyan ng pang-unawa tungkol sa dungis o batik at pang-aapi laban (diskriminasyon) sa HIV sa mga bakla sa pangkalahatang Ontario. Ang batik o dungis sa HIV o pang-aapi ay madalas mangyari sa mga pinong gawi at kadalasan ay hindi sinasadya. Bagama’t ang tama ng batik ng HIV at pang-aapi ay napakahalaga sa kapakanan ng bakla na may HIV at ang kakayahan ng baklang negatibo sa HIV na umiwas mahawaan ng HIV.

Bagama’t ang kampanya ay nakatutok sa kalahatang pang-unawa sa mag bakla tungkol sa batik at pang-aapi ay nakakaapekto sa kanilang kalusugan, ang dungis sa mga taong may HIV ay totoong nangyayari din sa mga pamayanang nagsasalita ng [Timog Asyano, Portugis at Kastila]. Ang mga taong may HIV sa pamayanan, maging bakla o hindi ay humaharap ng dungis at pang-aapi sa lahat ng bahagi ng kanilang buhay tulad ng, sa kanilang trabaho, sa paaralan at kanilang mga pamilya. Kahit mahirap pag-usapan ang tungkol sa HIV sa inyong sariling lahi o kultura, hindi ito nangangahulugan na walang HIV sa inyong pamayanan. May mga kalalakihan at mga kababaihan na mayroong HIV at mga taong naganganib na magkaroon ng HIV. Bilang isang pamayanan, kailangan nating paglabanan ang batik at pang-aapi na namamayani sa paglaganap ng HIV at makasiguro na ang mga pamayanan na nagsasalita ng [Timog Asyano, Portugis at Kastila] na may HIV ay magkaroon ng malusog at makahulugang buhay.

Ano ang dungis at batik ng HIV at pang-aapi?

Ang dungis o batik sa HIV ay tungkol sa lahat ng hindi magandang pag-uugali, paniniwala, gawi o pag-aasal at patakaran tungkol sa mga taong kilala o hindi, na may HIV, ganoon din sa kanilang mga mahal sa buhay, mga kaibigan, malapit na kasama at pamayanan.

Kung ikaw ay nagpapakilala na taga [Timog Asyano, Portugis o Kastilang] bakla o biseksuwal o isang lalake na nakikipagtalik sa kapwa lalake, ang kampanyang ito at “website” ay para sa iyo maging positibo ka man o hindi sa HIV. At kung ikaw ay negatibo sa HIV, isipin mo kung paano ang iyong pag-uugali, paniniwala at pag-aasal sa mga bakla na may HIV ay may negatibong epekto sa kanilang kalusugan at paano ma-aapektuhan ang kakayahan mong pangalagaan ang iyong sarili laban sa HIV.

Kung hindi ka nagpapakilala bilang taga [Timog Asyano, Portugis o Kastilang] bakla o biseksuwal o hindi lalake na nakikipagtalik sa lalake, ang kampanyang ito o “website” ay hindi para sa iyo. Pero isipin mo kung paano ang batik o dungis sa HIV at pang-aapi ay nakaka-apekto sa pamayanan ng taga [Timog Asyano, Portugis at Kastila] at ang magagawa mo para ang pamayanan ay magkaroon ng maluwag na pagtanggap at bukas na lugar para sa mga taong may HIV, maging bakla o hindi.

Ano ang mga epekto ng batik o dungis ng HIV ? Ang batik o dungis ng HIV ay napakarami kasama na ang:
Mabigat na kalungkutan
Ang mga taong may HIV ay nakakaranas ng mas matinding kalungkutan at pagkahiwalay ...
Ang mga taong may HIV ay nakakaranas ng mas matinding kalungkutan at pagkahiwalay sa mga kaibigan at pamilya dahil sa matagal na pagtatatago ng lihim tungkol sa kalagayan ng kanilang kalusugan. Isipin mo na hindi mo masabi sa pamilya mo na mayroon kang malalang sakit. Isipin mo na mawala ang iyong pamilya at ang pamayanan na higit mong kakailanganin.
Lumalalang walang kaalaman tungkol sa HIV
Ang paniniwala na ang HIV ay nangyayari lamang sa mga taong “gumagawa ng masama” o ang HIV ...
Ang paniniwala na ang HIV ay nangyayari lamang sa mga taong “gumagawa ng masama” o ang HIV ay nangyayari lamang sa mga bakla ay nagdadagdag sa paniniwala lalo na sa mga kabataan na hindi nabibigyan ng sapat na kaalaman tungkol sa HIV at kung saan ang mga hindi bakla ay hindi nila nakikita na sila rin ay nasa panganib na magkaroon ng HIV. Ang resulta nito ay hindi sila nag-iingat na pangalagaan ang kanilang sarili at mas mataas ang panganib na mahawaan sila.
Tumataas na pag-aatubiling magpatingin
Ang mga tao ay maaaring hindi magpatingin para sa HIV. Sa Ontario, mahigit ...
Ang mga tao ay maaaring hindi magpatingin para sa HIV. Sa Ontario, mahigit sa ikatlong bahagi ng mga taong may HIV ay hindi natignan at nalamang may HIV. Hindi nila alam na may HIV sila kaya hindi sila nag-iingat at ang kanilang kapareha. Ang batik ng HIV ay kadalasang dahilan para hindi sila magpatingin dahil sa dungis na kanilang nararamdaman at ang pang-aapi o pagtatanggi na maari nilang harapin kapag nalaman na sila ay may HIV.
Tumataas na pag-aatubiling magtapat
Ang mga taong may HIV ay malamang na hindi magtapat ng katotohanan sa kanilang ...
Ang mga taong may HIV ay malamang na hindi magtapat ng katotohanan sa kanilang kapareha dahil sa takot na sila ay hindi tanggapin, iwanan o makaranas ng karahasan. Alam natin na kapag may HIV ang isang tao at nagsabi sa kanyang kapareha na mayroon siyang HIV, gagawa sila ng mga hakbang para pangalagaan ang kanilang kapareha at hindi mahawaan. Ang pagiging tahimik at hindi pinag-uusapan ang HIV ay nagiging mahirap para pangalagaan ang ating sarili laban sa HIV.